Lasing namaril

KALABOSO ang isang 52-anyos na lasing na lalaki na bumaril sa guwardya na sumita sa kanya sa Quezon City kagabi.

Si Eldifonso Puna, 52, security guard ng isang restaurant, at ng Brgy. North Fairview, ay naaresto habang tumatakas.

Umupo umano ang lasing na suspek sa tapat ng Mercury Drug store sa Philcoa, Commonwealth Ave., Brgy. San Vicente alas-10:45 ng gabi.

Lumapit umano dito ang guwardya na si Jomar Nogot upang tanungin ito.

Pero nagalit umano ang suspek at dalawang beses na binaril si Nogot. Tinamaan ang biktima sa kaliwang daliri.

Tumakas ang suspek na naaresto sa tapat ng New Era Hospital.

Narekober sa suspek ang kalibre .22 revolver na walang serial number na may dalawang basyo at isang bala.

Read more...