Paolo pinagbigyan ang wish ng ABS-CBN fans: Ayan ang name tag ko

PAOLO CONTIS

SINUNOD ni Paolo Contis ang maraming request ng netizens na maglagay ng name tag ang Kapuso stars dahil hindi nila kilala ang mga ito.

“Dear GMA, pakilagyan po ng name tag kung sino po yung artist. Salamat.”

“Sana lagyan ng Name Tag ng GMA ang mga artista nila para naman makilala ko. Hirap manuod ginu google ko pa name ng artista.”

“Handa ko na kalimutan ang

ABS-CBN. Pero sana GMA tulungan nyo rin ako paki lagyan nyo naman ng name tag bawat artista nyo please.”

“May nakita akong post sa FB na mag lagay daww ang mga GMA artist ng name tag. TAWANG TAWA AKO! HAHAHAHAHA.”

“Dear GMA pakibutang ug name tag inyung artista bi wala ko kaila man gud.”

“Dear GMA, since shutdown (for now) ang ABS-CBN, pakilagyan naman ‘name tag’ mga artists niyo para makilala namin sila. Nagmamahal, Bagong Viewer.”

Pinagbigyan naman ni Paolo ang requests ng netizens when he showed up sa isang musical variety show na may name tage.

“Maraming maraming salamat sa mga Kapuso na palagi tayong sinasamahan. At sa mga bago nating viewers, ako po si Paolo Contis, name tag ko po,” he said.

That had us laughing. May name naman kahit paano si Paolo at hindi na niya kailangang mag-name tag.  

Ang dapat maglagay ng name tag ay ang mga starlets of pinetree proportion na hindi kilala ng mga televiewers.

But of course, may mga nagtanggol naman sa network ni Paolo na nagsabing baka raw sa pang-aasar ng mga bashers sa mga artista ng GMA ay sila ang makarma. 

 

As usual, nagsagutan ang mga supporters ng dalawang network at kanya-kanya talaga sila ng mga aria. 

 

Read more...