Arjo, Tony epektib na magdyowa; ‘Love Lockdown’ may pa-virtual sex

AKALAIN mo, magdyowa pala sina Tony Labrusca at Arjo Atayde sa digital movie na “Love Lockdown” na napapanood ngayon sa iWant.

Kasama rin sa nasabing proyekto ang Kapamilya actress na si Sue Ramirez bilang ka-love triangle ng dalawang aktor. 

Parehong naghahanap ng kliyente sa online ang mga karakter nina Sue at Tony hanggang sa nagtagpo sila at nagkagustuhan. 

Seryoso ang intensyon ni Tony kay Sue na inakala naman ni Arjo na pinakakagat lang ng boyfriend niya ang dalaga.

Matagal na palang ini-stalk ni Tony si Sue kaya naman nu’ng nagkakausap na sila ay hindi nakapagpigil ang binata at nagsimulang landiin ang dalaga na in the end ay kumagat naman.

Nagkaroon ng “virtual sex” sina Tony at Sue, pero ang hindi nila alam palihim silang pinanonood ni Arjo at ipina-record ang lahat ng eksena.

Nakakatawa ang eksena nang matapos na ang virtual sex sina Sue at Tony ay biglang binato ni Arjo ng unan si Tony na ikinagulat ng huli. 

At dahil naka-record, hinihingan ni Arjo si Sue ng P100,000 para hindi nito ikalat ang video nila ni Tony at nagpakilalang girlfriend siya ng binata.

Pero dahil pareho nga sila ng negosyo ay na-background check ng dalaga kung sino at ano ang katauhan ng nagpakilalang kasintahan ng kanyang boyfriend.

Nagulat si Arjo dahil bukelya ang pagkatao niya na isa siyang high school teacher at iginagalang pala sa kanilang lugar.

Hanggang sa nagkita nang personal sina Arjo at Sue, abangan kung ano ang nangyari sa pagkukrus ng kanilang landas. Agaw-eksena rito si Arjo dahil tinapatan talaga niya ang red lipstick ni Sue.

Epektib sa ginampanan nilang role ang dalawang binata kaya muli nilang napatunayan dito ang kanilang versatility. 

At naniniwala kami na baka mauso na ang virtual sex o love scene ngayon sa mga digital movie o series dahil nga sa quarantine protocols.

Kasama rin sa nasabing episode ng “Love Lockdown” si Alora Sasam bilang kaibigan ni Sue. 

Ito ay mula sa Dreamscape Entertainment kung saan bibida rin sa iba pang episode sina Jake Cuenca, Kylie Versosa, JM de Guzman at Angelica Panganiban.

Samantala, nag-enjoy naman ang mga bida ng “Love Lockdown” habang sinu-shoot nila ang proyekto sa kabila nga ng challenge na kanilang na-experience dahil sa enhanced community quarantine.

“I’ve never filmed this way before. I was anxious but at the same time super excited. So that was really fun for me,” sabi ni Tony.

“Actually working with direk Manny Palo, the whole experience itself was quite enjoyable. It was really chill. 

“After doing this I felt happy at saka hindi ako makapaniwala na natapos namin. We finished very fast actually,” aniya pa.

Read more...