Mga estudyante kailangang mag-aral kahit wala pang bakuna laban sa COVID-19

KAHIT na wala pang bakuna laban sa coronavirus disease 2019, kailangan umanong pumasok na ng mga bata.

Pero sinabi ni ACT-CIS Rep. Niña Taduran na hindi nangangahulugan na kailangang pumasok sa eskuwelahan ang mga estudyante gaya ng tradisyonal na pag-aaral.

“The Covid-19 vaccine is still far-fetched, but we can’t afford to delay learning,” ani Taduran.

“It doesn’t necessarily have to be face to face classes. Schools can come up with learning modules, which can be done at home. Workbooks and online teaching can be the schools’ alternatives for physical classes,” saad ng lady solon.

Ayon sa Department of Education sa Agosto 24 magsisimula ang pasukan sa pampublikong paaralan. Alinsunod ito sa batas.

“Unless schools can do widespread testing, set up sanitizing tents and temperature checks at the entrance gates, impose health protocols and provide a quarantine facility for the students at the first sign of illness, then they can do face to face classes with limited number of students in attendance,” dagdag pa ng Assistant House Majority Leader.

Inirekomenda rin ni Taduran ang dahan-dahang pagpapabalik sa eskuwelahan ng mga malalaki ng estudyante na kayang sumunod sa social distancing.

“As we are waiting for the Covid-19 vaccine, a healthy lifestyle and loading our kids with vitamins and minerals will protect them from the virus. And parents must not forget the other vaccines that our children need like annual flu shots,” dagdag pa ni Taduran.

Read more...