9 sugatan sa sunog, 60 pamilya nawalan ng matitirahan

SIYAM ang sugatan sa sunog sa isang residential area sa Pasay City kanina.

Sa datos ng Bureau of Fire Protection-National Capital Region nagsimula ang sunog alas-12:47 ng hapon saikalawang palapag ng bahay ni Rosemary Cacudoy sa Virginia st., Brgy. 130, Zone 13.

Kinilala ang mga sugatan na sina Samuel Caducoy, 40, (nagtamo ng 3rd degree burn), Edgardo Rivera, 61 (sprain), Santo Martin, 60 (hypertensive), Sheila Dakigan, 27 (sprain), Jovelyn Roxas, 15, (sakit sa likod matapos mahulog), Joan Divinagracia, 33, (pampamanhid), Maria Therese Labor, 58 (nawalan ng malay-tao), Mary Jane Roxas, 40, (punctures), at Jenelyn Costan, 28 (sprain).

Naapula ang apoy alas-5:13 ng hapon.

Tinatayang 25 bahay ang nasunog at nawalan ang tahanan ang 60 pamilya.

Nagkakahalaga ng P450,000 ang pinsala ng sunog.

Read more...