Lyca dalagang-dalaga na: Hindi po ako retokada!

MARIING dinenay ng The Voice Kids season 1 grand winner na si Lyca Gairanod na isa siyang retokada.

Dalagita na ngayon si Lyca at kung mapapansin ay medyo nag-iba na nga ang kanyang itsura, ibang-iba na kung ikukumpara noong sumali siya sa The Voice Kids anim na taon na ang nakararaan.

Sa bagong vlog niya sa YouTube, ibinahagi ng Kapamilya young singer ang ilan sa mga lumang litrato na kuha sa iba’t ibang pangyayari sa kanyang showbiz life.

Isa-isang niyang ibinahagi ang kuwento ng mga litrato sa kanyang vlog, kabilang na ang mga eksena noong nag-auditioned siya sa The Voice Kids, nang gawin niya ang kanyang life story sa Maalaala Mo Kaya at iba pang Kapamilya events.

Sa isang bahagi ng video, nilinaw niya ang tsismis na sumailalim siya sa cosmetic enhancement. 

Ani Lyc, “Hindi po ako retokada. Kahit isa hindi po ako nagparetoke. Kahit ‘yung turok-turok, ‘yung nagpaputi daw ako, hindi rin. 

“Ang tawag doon huwag lalabas ng bahay para pumuti-puti lang,” aniya pa bilang tugon sa mga nagsasabing bigla siyang naging tisay mula sa pagiging morena.

Wala po akong balak magparetoke,” ang ipinagdiinan pa ni Lyca. 

In fairness naman kay Lyca, mukhang nag-bloom lang talaga siya mula nang magdalaga na. Ibig sabihin isa rin siya sa mga batang celebrity na nagkaroon ng “gandang hindi mo inakala.”

Kung matatandaan, si Lyca ang itinanghal na champion sa first season ng The Voice Kids noong 2014 sa ilalim ni coach Sarah Geronimo. 

Read more...