OFWs na taga-Valenzuela City susunduin

SUSUNDUIN ng Valenzuela City government ang mga overseas Filipino workers na residente nito sa quarantine facilities ng Overseas Workers Welfare Administration.

Sa isang social media post, sinabi ni Mayor Rex Gatchalian sa Lunes ay bibiyahe na ang Alagang Valenzuelano- Sweeper Van para manundo ng kanilang mga residente na naka-quarantine sa National Capital Region at Region 4A.

“When they get to Valenzuela soil we will house them sa Valenzuela Townhall Quarantine Facility, do our take Swabs for PCR Testing…the when we get results 48 hours later we let them go home if negative,” ani Gatchalian.

“Time to bring all Valenzuelanos home…we leave no one behind.”

Nakakuha na umano ang Valenzuela ng listahan ng mga OFW na uuwi sa kanilang siyudad.

“If your love one from Valenzuela is an OFW staying in one of the OWWA quarantine facilities and wants to come home we’ll gladly get them for you… Call – Jonathan Balsamo – 0917 626 0334.”

Makatutulong din umano upang mabawasan ang mga taong nasa quarantine facilities ng OWWA.

Kahapon, 174 ang kabuuang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lungsod. Tatlumpu’t walo sa mga ito ang gumaling na at 11 ang nasawi.

Read more...