Vice: Naiiyak ako sa nangyayari, nalulungkot ako para kina Coco at Kim | Bandera

Vice: Naiiyak ako sa nangyayari, nalulungkot ako para kina Coco at Kim

Ervin Santiago |May 17,2020
facebook
share this

Vice: Naiiyak ako sa nangyayari, nalulungkot ako para kina Coco at Kim

Ervin Santiago - May 17, 2020 - 11:57 AM

Vice-Coco-Kim

AMINADONG napapaiyak na lang si Vice Ganda sa mga nangyayari ngayon sa Pilipinas, lalung-lalo na sa pagkawatak-watak ng mga Pinoy dahil sa iba’t ibang issue.

Ayon sa TV host-comedian, okay naman ang kalagayan niya pati na ng kanyang pamilya sa gitna pa rin ng banta ng COVID-19 pandemic at sa pinaiiral na enhanced community quarantine.

Humarap si Vice sa madlang pipol kahapon sa pamamagitan ng Facebook Live para makipagchikahan sa kanyang followers kung saan sinagot din niya ang ilang tanong ng netizens.

“Nakaka-survive naman. Pero ayaw kong sabihin na OK na OK ako kasi hindi ako OK,” tugon ng komedyante nang kumustahin siya ng mga viewers.

Paliwanag niya, “Hindi ako OK na may pandemiya. Hindi ako OK na walang ABS-CBN, hindi ako OK na walang TV Patrol, hindi ako OK na walang It’s Showtime,’ hindi ako OK sa mga nangyayari.” 

Maayos din naman daw ang kanyang mental condition sa kabila ng pandemya pero aniya, may oras na hindi niya mapigilan ang umiyak sa mga kanegahang nababalitaan niya lalo na ang pag-aaway-away ng mga Pinoy sa iba’t ibang issue ng bansa, kabilang na riyan ang pagpapasara sa ABS-CBN.

“I will not deny the fact na itong mga nakalipas na araw, may mga araw na naiiyak ako. Kasi nalulungkot talaga ako.

“Nalulungkot ako dahil parang ang daming poot ng mga tao, parang hindi magkaintindihan ang mga tao. Ang daming galit sa isa’t isa, ayaw magkaunawaan,” pahayag ni Vice.

Partikular din niyang tinukoy ang nararamdaman niyang kalungkutan at disappointment sa pambu-bully at pamba-bash sa mga kapwa niya Kapamilya stars na sina Coco Martin at Kim Chiu nang dahil sa pagtatanggol at pagsuporta sa ABS-CBN.

“Nalungkot ako para sa mga kaibigan ko na nami-misinterpret, para kay Coco, para kay Kim kasi parang hindi nila deserve na pagsalitaan ng…basta, sana iyong mga tao, mas magkaunawaan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Mas masaya ako kapag ganoon, kapag ang mga tao ay hindi galit sa isa’t-isa. Iyon ang gusto ko,” lahad pa ng Phenomenal Box-office star.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending