Pepito Manaloto ni Bitoy 10 years na: Dapat nasa Netflix na ‘yan! 

TRENDING at mainit na pinag-usapan sa social media recently ang longest-running sitcom na Pepito Manaloto ng GMA 7.

Hot topic ang sitcom nina Michael V at Manilyn Reynes sa Twitter matapos itong purihin ng netizens at sinabi pang dapat mapanood din ito sa sikat na streaming site ngayon na Netflix.

“I think Pepito Manaloto should be on Netflix,” comment ng netizen na si Antonio na umabot sa 30k likes at mistulang naging dahilan kung bakit nag-trending ang comedy series ng GMA na recently ay nagdiwang na rin ng ika-10 anibersaryo magmula nang umere noong 2010. 

Bumuhos naman ang positive feedback mula sa mga netizens na naglabas ng kani-kanilang magagandang alaala at mga aral na napupulot sa pinagbibidahang show ng comedy genius na si Bitoy.

 “One of the few comedy shows that have individual character development, hindi nagrerely sa ‘hampas dyaryo sa ulo’ type of humor, sobrang witty, not cringy, brilliant scripts at hindi pilit ang pag insert ng values,” saad ng netizen na si Eyd. 

Bumati rin ang isa sa mainstay ng show na si Mikoy Morales sa ika-10th anniversary nila sa pamamagitan ng pagpo-post ng behind-the-scenes photos ng cast na kuha niya mismo sa kanyang Twitter account. 

Napapanood angPepito Manaloto, tuwing Sabado ng gabi, pagkatapos ng 24 Oras Weekend.

* * *

Talagang memorable para sa Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes ang Pinoy adaptation ng Korean series na Stairway To Heaven kung saan ginampanan niya ang karakter ni Cholo. 

Ang primetime series kasi na ito na unang ipinalabas noong 2009  ang nagbigay sa kanya ng kauna-unahan niyang acting award sa showbiz. Dahil sa kanyang natatanging pagganap sa kanyang karakter, hinirang siyang Best Drama Actor para sa 24th PMPC Star Awards for Television noong Nov. 20, 2010. 

Noong taon ding iyon, na-nominate din si Dingdong sa katergoryang Best Actor in a Leading Role sa Asian Television Awards dahil din sa kanyang pagganap sa Stairway To Heaven. 

Kaya naman hindi maikakailang nagbigay ng karangalan sa GMA Network at sa bansa si Dingdong dahil sa Stairway To Heaven na muling mapapanood sa GMA Afternoon Prime simula sa Lunes. 

Read more...