LIMANG bahay ang nasunog sa Pasig City kahapon.
Nagsimula ang sunog sa kuwarto na inuupahan ni Ryna Penoscas, sa Bedaña St. Villa Marciana, Brgy. San Nicolas alas-3:55 ng hapon.
Kumalat ang apoy sa mga katabing bahay at naapula alas-5:31 ng hapon.
Tinatayang 20 pamilya ang apektado sa sunog.
Umabot sa P300,000 ang pinsala nito. Wala namang napaulat na nasugatan sa insidente.
MOST READ
LATEST STORIES