Bagyong Ambo patuloy sa paghina, magiging LPA na lang

INAASAHANG malulusaw at magiging low pressure area nalamang ang bagyong Ambo habang papalayo sa kalupaan ng bansa.

Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration lalong humina ang bagyo na ang hangin ay umaabot na lamang sa 45 kilometro bawat oras at pagbugsong 55 kilometro bawat oras.

Halos hindi ito umaalis sa kanyang posisyon na nasa 125 kilometro sa kanluran-hilagang kanluran ng Calayan, Cagayan.

Magdadala ito ng pag-ulan sa Batanes at Babuyan island.

Read more...