‘Inom mayaman at inom sosyal’ pinapayagan sa Marikina City

MAY new normal na rin sa inuman sa Marikina City.

Ngayong araw ay inalis na ng City government ang liquor ban na ipinatupad nito sa ilalim ng Enhanced Community Quarantine.

Pinirmahan ni Mayor Marcy Teodoro ang ordinansa na nag-aalis ng pagbabawal matapos sumailalim ang lungsod sa Modified ECQ.

Hindi pa rin pinapayagan ang pag-inom sa mga pampublikong lugar, mga bar at restaurant.

“Inom sosyal with social distancing,” saad ng advisory ng lungsod. “Inom mayaman, kanya kanyang basong inuman.”

Maaari umanong uminom ng alak sa loob ng kani-kanilang bahay at hindi pinapayagan ang paglalapit ng mga umiinom.

Read more...