Walang trabaho darami

SA inaasahang paglobo ng bilang ng mga walang trabaho, puspusan ang paghahanap ng paraan ng Kamara de Representantes upang matulungan ang mga maliliit na negosyo at mapigilan ang pagsasara ng mga ito.

Ayon kay House committee on trade and industry chairman at Valenzuela Rep. Wes Gatchalian sa pagtataya ng International Monetary Fund ay aakyat sa 6.2 porsyento ang unemployment rate ng bansa ngayong taon mula sa 5.1 porsyento noong 2019.

“This is a difficult time for each and everyone in this country,” ani Gatchalian.

Sa virtual hearing ng komite, tinukoy ang COVID-19 Assistance to Restart Enterprises (CARES) Program ng Department of Trade and Industry na isa sa gagamitin upang matulungan ang mga maliliit na negosyo.

Ayon kay Small Business Corporation (SB Cor.) President Luna Cacanando nasa ilalim ng CARES ang Pondo sa Pagbabago at Pag-Asenso (P3) na mayroong P1 bilyong pondo para tulungan ang mga Micro Small and Medium Enterprises na naapektuhan ng health crisis.

Maaari umanong umutang ng P10,000 hanggang P200,000 ang mga negosyo na walang P3 milyon ang puhunan o micro business. Ang mga small enterprises naman ay makakautang ng hanggang P500,000.

Ayon kay Cacanando ang utang ng small enterprises ay papatawan ng 9-14 porsyento samantalang ang micro enterprises ay hanggang 18 porsyento. Mas maliit umano ito kumpara sa ibinibigay ng mga bangko.

Sa datos ng SB Corp., mayroong 5.6 milyong micro and small enterprises sa bansa. Sa bilang na ito 4.5 milyon ang unregistered micro enterprises, 1 milyon ang registered micro enterprises at 100,000 ang small enterprises.

Sa pondo ng SB Corp., nasa 20 porsyento lamang ng MSEs ang matutulungan kaya pinag-aaralan ng komite kung papaano ito madaragdagan.

“Once these micro and small enterprises have been granted the loan, they will be entitled to avail of the “Loan Forgiveness Program” of the SB Corp. This simply means that the SB Corp. will waive the remaining 10%-15% of the loan provided that the borrowers pay all their installments on time and according to the payment schedule agreed upon.

Read more...