TATANGGAP ng cash assistance ang 11,000 graduate students mula sa mga pampublikong paaralan sa Las Pinas.
Ang ayuda ay mula sa P11 milyon na donasyon ni dating Las Piñas Mayor Vergel “Nene” Aguilar.
“Walang pinakamagandang regalo sa ating kabataan kundi edukasyon. Gusto ko lang makatulong sa mamamayan ng Las Pinas,” ani Aguilar.
Ayon sa Las Piñas City Government, kabilang sa mapagkakalooban ng cash aid ang mga graduate students mula sa elementary, senior high school, at Dr. Filemon C. Aguilar Memorial College (DFCAM).
“Ang financial aid ay para makatulong sa mga graduating students at kanilang magulang na apektado ng krisis,” dagdag ng dating alkalde.
Batay sa datos ng lokal na pamahalaan, umabot sa 8,401 ang nagtapos sa elementarya, 2,173 sa senior high school at 284 sa DFCAM.
Tatanggap ang bawat isa ng P1,000.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.