City Hall ng Navotas nasunog

NASUNOG ang bahagi ng City Hall ng Navotas City kaninang umaga.

Nagsimula umano ang apoy sa pagitan ng centralized airconditioning unit at refrigerator sa Councilors Office na nasa ikatlong palapag ng gusali na matatagpuan sa Brgy. Sipac Almasen.

Walang napaulat na nasugatan o nasawi sa sunog na nagsimula alas-4:32 ng umaga.

Naapula ang apoy alas-4:39 ng umaga.

Nagsasagawa pa ng imbestigasyon upang matukoy ang pinagmulan ng apoy.

Nagkakahalaga ng P80,000 ang halaga ng pinsala ng sunog.

Read more...