IPINALABAS ng Palasyo ang Inte-Agency Task Force (IATF) Resolution Number 37 kung saan mananatili sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang Cebu City kasama ang Mandaue City dahil sa mga kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa dalawang lungsod.
Samantala, bukod sa Metro Manila at Laguna, nadagdag naman sa listahan ng modified ECQ epektibo ngayong araw hanggang Mayo 31 ang Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga, Zambales at Angeles City matapos naman ang apela ng mga kaukulang lokal na pamahalaan na wag muna silang isama sa general community quarantine (GCQ).
“After validation by the IATF Sub-TWG on Data Analytics, with update d case numbers and health system capacity data, and in consideration of the appeals of the Local Government Units (LGUs), the final recommendations of the IATF Screening and Validation Committee are approved. Beginning 16 May 2020, the classification of provinces, highly urbanized cities (HUCs), and Independent Component Cities (ICCs) bases on risk level shall be adopted,” sabi ng IATF Resolution 37.
Maliban sa mga naturang lugar, mananatili naman sa GCQ ang iba pang lugar at lalawigan sa bansa simula ngayong araw.