Ikalawang araw ngayon na walang namatay sa COVID-19 sa hanay ng OFW

SA ikalawang sunod na araw, walang nadagdag sa bilang ng mga nasawi sa coronavirus disease 2019 sa hanay ng mga overseas Filipino workers.

Ayon sa Department of Foreign Affairs ngayon din ang ikatlong sunod na araw kung saan mas marami ang gumaling kumpara sa bilang ng mga nahawa.

Nanatili sa 269 ang bilang ng mga nasawing OFW.

Labing lima naman ang nadagdag sa mga gumaling at siyam naman ang bilang ng mga bagong nahawa.

Sa kabuuan 2,331 na ang kabuuang bilang ng mga kaso ng nahawa.

Ang kabuuang bilang naman ng gumaling ay 789.

“The DFA, through its Embassies and Consulates, remains committed to continuously monitoring the status of our nationals abroad and providing assistance, whenever possible, to ensure their welfare as we continue to battle against COVID-19.”

Read more...