NCRPO chief Sinas, et al sinampahan na ng kaso

IPINAGHARAP na ng kaso si National Capital Region Police Office chief Maj. Gen. Debold Sinas at iba pang opisyal ng unit kaugnay ng kontrobersyal na pagdiriwang ng kanyang kaarawan.

“Yes, [it is] ongoing now at the Prosecutors Office,” sabi ni PNP spokesman Brig. Gen. Bernard Banac.

Nabatid na mga tauhan ng PNP Internal Affairs Service at Intelligence Group ang humarap sa Taguig City Prosecutors Office para maghain ng kasong kriminal.

Nag-ugat ang paghahain ng kaso sa “mañanita” na isinagawa para sa kaarawan ni Sinas noong Mayo 8.

Batay sa obserbarsyon ng mga nakakita sa mga larawan ng salu-salo, nalabag doon ang mga ipinatutupad na health protocols kontra COVID-19 gaya ng pagbabawal sa mass gatherings at physical distancing.

Read more...