Lockdown hugot ni Chito: Sobrang hirap pala talaga ng ginagawa ni Neri! 

NANG dahil sa COVID-19 at sa ipinatutupad na lockdown sa bansa, mas na-appreciate at mas humanga pa si Chito Miranda sa kanyang asawang si Neri Naig.

Bilib na bilib ang frontman ng Parokya ni Edgar kay misis at sa pagiging stay-at-home mom nito, lalo na ngayong panahon ng health crisis.

Sa bago niyang Instagram post, binigyan uli ni Chito ng pa-tribute si Neri kung saan ibinandera niya sa buong universe na napakaswerte niya sa pagkakaroon ng asawa tulad ng aktres.

Mensahe ni Chito, “One thing na na-realize ko during this lockdown is sobrang hirap pala talaga ng ginagawa ni Neri bilang stay home mom.

“Don’t get me wrong… Sobrang masaya ako na nakakapag-stay ako sa bahay because of my long break from work, at masaya talaga ako na nakakapag-spend ako ng time with Miggy,” ani Chito na ang tinutukoy ay ang three-year-old nilang anak.

Pagpapatuloy pa niya, “Pero I must admit…Sooobrang nakakapagod pala talaga makipag-sabayan kay Miggy day in, day out… Iisa pa lang sya nyan a! Kelangan mo talaga sabayan yung energy nya eh.

“Sa lagay na yan may work pa sya (sobrang dami nyang deadlines), tapos may time pa sya magluto at mag-gardening,” aniya pa.

Dugtong pa ng musikero, “Kaya ngayon, lahat ng pwede ko ibawi, ginagawa ko. Gusto ko makapag-nap sya tuwing may chance. Gusto ko nagkakaroon sya ng ‘me time’ whenever possible. Pinagsisilbihan ko din sya hangga’t maaari.” 

Sa huli, binati rin ni Chito ang lahat ng ina, “Saludo sa lahat ng mga nanay, at sa tumatayong mga nanay sa mundo.” 

Limang taon nang nagsasama bilang mag-asawa sina Chito at Neri. Ikinasal sila sa Tagaytay noong May, 2015 sa isang garden wedding.

Read more...