Bagyong Ambo naka-6 na landfall na

NAKA-ANIM na landfall na ang bagyong Ambo, ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration.

Sa advisory ng PAGASA alas-8 ng umaga, nag-landfall ang bagyo sa San Andres, Quezon.

“The eyewall region of Typhoon Ambo is bringing destructive winds and heavy to intense rainfall over Bondoc Peninsula in Southern Quezon and Burias Island.”

Ang bagyo ay unang nag-landfall sa San Policarpo, Eastern Samar (12:15 ng tanghali kahapon); sumunod sa Dalupiri Island, Northern Samar (10:15 kagabi); Capul Island, Northern Samar (10:30 kagabi); Ticao Island, Masbate (12:00kaninang umaga); Burias Island, Masbate (3:00 ng umaga kanina); at San Andres, Quezon (7:45 AM kanina).

Bahagyang humina ang hangin ng bagyo na umaabot sa 125 kilometro bawat oras at pagbugsong 165 kilometro bawat oras. Umabot ang bilis ng hangin ng bagyo sa 155 kilometro bawat oras at pagbugsong mahigit 200 kilometro bawat oras.

Nakataas ang Tropical Cyclone Warning Signal no. 3 sa kanlurang bahagi ng Camarines Sur (Del Gallego, Ragay, Lupi, Sipocot, Cabusao, Libmanan, Pamplona, Pasacao, San Fernando, Minalabac, Bula, Balatan), dulong kanlurang bahagi ng Camarines Norte (Santa Elena), Burias Island, Marinduque, silangang bahagi ng Quezon (Polillo, Infanta, Real, Mauban, Pagbilao, Sampaloc, silangan ng Tayabas, Atimonan, Padre Burgos, Agdangan, Plaridel, Unisan, Gumaca, Pitogo, Perez, Alabat, Quezon, Tagkawayan, Calauag, Lopez, Macalelon, General Luna, Catanauan, Buenavista, Guinayangan, Mulanay, San Narciso, San Andres, San Francisco), silangang bahagi ng Laguna (Santa Maria, Famy, Siniloan, Pangil, Pakil, Mabitac, Paete, Kalayaan, Lumban, Cavinti).

TCWS no. 2 naman sa katimugang bahagi ng Pangasinan (Mangatarem, Urbiztondo, Bayambang, Bautista, Basista, Malasiqui, Alcala, Sto. Tomas, Urdaneta, Villasis, Rosales, Asingan, Sta. Maria, Balungao, Umingan, San Quintin, Tayug, San Manuel, San Nicolas, Natividad), Nueva Vizcaya, Quirino, Aurora, Nueva Ecija, Tarlac, Pampanga, Bulacan, Metro Manila, Rizal, Cavite, Batangas, nalalabing bahagi ng Laguna, at Quezon, at kanlurang bahagi ng Masbate (Balud, Mandaon, Aroroy, Baleno, Masbate City, Mobo, Uson, Milagros) kasama ang Ticao Island, nalalabing bahagi ng Camarines Norte, at Camarines Sur, Albay, Sorsogon, katimugang bahagi ng Catanduanes (San Andres, Virac, Bato), at silangang bahagi ng Romblon (Banton, Corcuera, Calatrava, San Agustin, Romblon, Magdiwang, San Fernando, Cajidiocan).

TCWS no. 1 naman sa Cagayan kasama ang Babuyan Islands, Isabela, Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, nalalabing bahagi ng Pangasinan, Apayao, Kalinga, Abra, Mountain Province, Ifugao, Benguet, Zambales, Bataan, Oriental Mindoro, Occidental Mindoro, nalalabing bahagi ng Catanduanes, Masbate, at Romblon, dulong hilangang silangan ng Capiz (Pilar, Panay, Roxas, Ivisan), hilagang silangang bahagi ng Iloilo (Carles, Balasan, Estancia, Batad), at kanluran ng Northern Samar (San Vicente, Capul, San Antonio, Allen, Victoria, San Isidro, Biri, Lavezares, Rosario, San Jose).

Read more...