Jodi sa mga manyak: Sana mahuli kayo!

ISA rin si Jodi Sta. Maria ang nanawagan na ireport ang isang page na kalaswaan sa mga bata ang ginagawa.

Ang page ay may post pa na nagiimbita ng mga netizens na sumali sa isang online chatting platform para magshare ng malalaswang video.

“Kilabutan naman kayo. Sa more than 19k na nag-like sa page na ito..mahiya kayo sa balat ninyo. At sa nagbabalak sumali, magisip-isip kayo. Pinagsasamantalahan ang kamusmusan at kahirapan. Please help report this page. At sana mahuli kung sino ang nasa likod nito.”

Ayon kay Henrietta Fore, executive director ng UNICEF, tumataas ang bilang ng mga online child predators simula nang magkaroon ng lockdown sa maraming bansa dulot ng coronavirus pandemic.

Read more...