UMAPELA si San Jose del Monte City Rep. Florida Robes kay Pangulong Duterte na suspendihin ang pagtataas sa premium na ikinakaltas sa suweldo ng mga miyembro ng PhilHealth.
Inihain ni Robes ang House Resolution 862 upang suspendihin ang 0.25 porsyentong dagdag o gawing 3 porsyento ang kontribusyon ng mga empleyado.
“(I) appeal (to President Duterte) and Philhealth to suspend the implementation of Philhealth Circular No. 2019-0009 which took effect 7 December 2019 increasing the contribution of premium members, including doctors and health workers, in view of the economic challenges created by the Covid-19 pandemic,” ani Robes.
Alinsunod ng Universal Health Care Act (RA 11223), ipinalabas ng PhilHealth ang Circular No. 2019-0009 na nagtataas sa tatlong porsyento ng buwanang kontribusyon ngayong taon.
Itataas ang kontribusyon hanggang sa maging limang porsyento ito sa 2025.
Sinabi ng Philippine Medical Association na dagdag pasanin ito ng kanilang mga miyembro lalo na ang mga hindi naman kalakihan ang sahod sa probinsya.
“Doctors are extremely burdened by this increase because they are also imposed at least a five (5) percent withholding tax rate from their professional fees. On top of the increased accreditation fees and tax burden, doctors are left at the mercy of PhilHealth which sometimes denies their claims or oftentimes delays the remittance of their entitlements,” ani Robes.
Maaari umanong suspendihin ang pagtataas sa kontribusyon hanggang sa matapos ang COVID-19 crisis.
“In this difficult period, our healthcare workers are touted to be our true heroes because they risk their lives and that of their families in order to save lives. As a society, it is high time we should try to repay their unparalleled service to the country and humanity by making sure that they are not subjected to more unwarranted burdens.”