WALANG balak maghain ng leave of absence si National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Maj. Gen. Debold Sinas habang iniimbestigahan siya sa kontrobersyal niya na birthday party.
Ayon kay Sinas, magli-leave lamang siya kung may utos mula kay PNP chief Gen. Archie Gamboa o kay Pangulong Duterte.
Naninindigan din si Sinas na walang mali sa naganap na “mañanita” dahil tiniyak nilang nasusunod ang social distancing sa kasagsagan ng event.
Mayo 8 nang idaos ang selebrasyon para sa kaarawan ni Sinas.
Ang mga larawan ng naturang event ay ibinahagi sa official Facebook Page ng NCRPO pero kalaunan ay binura rin ang posts.
Pero bago pa mabura, marami na ang nakapag-grab ng mga larawan. –Radyo Inquirer
MOST READ
LATEST STORIES