TAPOS na ang Mother’s Day, pero para kay Megastar Sharon Cuneta tuluy-tuloy pa rin ang selebrasyon lalo na nang mapanood niya ang lumang video nila ni KC Concepcion.
Hindi napigilan ni Mega ang maiyak nang muling masilayan ang isang throwback video kung saan mapapanood ang batang-bata pang si KC na kuha noong dekada 90
Ipinost ni Sharon ang video sa kanyang Instagram at dito nga makikita si KC na may nire-recite na tula titled “Only One Mother” habang patungo sa stage kung saan nakatayo si Mega.
“Hundreds of stars in the pretty sky, Hundreds of shells on the shore together. Hundreds of birds that go singing by, Hundreds of lambs in the sunny weather.
“Hundreds of dewdrops to greet the dawn, Hundreds of bees in the purple clover. Hundreds of butterflies on the lawn, but only one mother wide world over,” ang bahagi ng mensahe ni KC para sa ina.
Nilagyan ni Mega ng caption ang video ng, “My baby KC. Oh, how I miss you, my baby KC… @itskconcepcion.”
Sa comments section, nag-post si KC ng, “Aww! Time flies!”
Reply naman sa kanya ng ina, “@itskcconcepcion, Your voice here made me cry…’Only one mother… Happy birthday Mama. I love you…’” with matching two heart emojis.
Ramdam na ramdam ng netizens ang sobrang pagka-miss ni Sharon sa kanyang anak pero parang hindi naman daw feel ni KC na makasama ang kanyang ina.
Emote na emote na raw kasi si Mega sa kanyang post pero mukhang dedma lang daw ang anak niya. Wala rin daw silang nakita o nabasa na binati ni KC si Sharon noong nakaraang Mother’s Day.