Palasyo pasok na rin sa imbestigasyon vs Sinas

INIHAYAG ni Presidential Spokesperson Harry Roque na ipinag-utos na rin ni Executive Secretary Salvador Medialdea ang imbestigasyon laban kay National Capital Region Police Office chief Debold Sinas matapos ang kanyang  birthday party sa kabila ng umiiral na enhanced community quarantine (ECQ) sa bansa. 

“Well, kakausap ko pa lang kay Executive Secretary (Salvador) Medialdea bago mag-briefing, inatasan na po niya ang Internal Affairs Services o IAS ng PNP na mag-conduct ng investigation at i-forward sa kanyang tanggapan mismo ang resulta ng imbestigasyon,” sabi ni Roque sa isang virtual briefing.

Idinagdag ni Roque na hintayin na lamang ang resulta ng imbestigasyon laban kay Sinas sa harap naman ng pangamba ng whitewash.

“Hayaan muna nating umusad ang imbestigasyon bago natin pag-usapan ang parusa,” dagdag ni Roque.

Read more...