NAGLULUKSA ang Kapamilya actress at philanthropist na si Angel Locsin sa pagpanaw ng kanyang “baby.”
Hindi na naka-recover mula sa kanyang sakit ang pet dog ni Angel na si Pwet Pwet, isang Bichon Frise.
Ibinahagi ng aktres ang malungkot na balita kaninang umaga sa kanyang Instagram account. Dito, makikita si Angel habang yakap-yakap si Pwet Pwet.
“Proud of you my perfect little fighter. You can rest now. Love you always,” ang caption ng dalaga sa kanyang IG post.
In fairness, talagang love na love ng aktres ang alagang aso. Sa katunayan, si Pwet Pwet ang kauna-unahang post niya sa IG noong 2013. At mula noon, palaging nagbibigay ng update si Angel sa IG tungkol sa kanyang aso.
Last week lang, ibinalita ni Angel na dinala niya sa vet si Pwet Pwet para ipagamot ito at sinabing bumibigay na ang kidney nito.
Humiling pa siya sa kanyang followers na ipagdasal na sana’y gumaling na ang alagang aso.
Nitong nakaraang Mother’s Day naiuwi na ni Angel ang pet dog ngunit kaninang umaga lang ay nagpaalam na si Pwet Pwet.
Bumuhos naman sa socmed ang pakikiramay kay Angel, kabilang na riyan ang mensahe mula sa future husband niyang si Neil Arce, kina Angelica Panganiban, Maja Salvador, Jhong Hilario, Chito Miranda at marami pang iba.