Angel, Vice, Kathryn, Sylvia nabuhayan ng loob; nagpasalamat sa Kongreso   | Bandera

Angel, Vice, Kathryn, Sylvia nabuhayan ng loob; nagpasalamat sa Kongreso  

Reggee Bonoan - May 14, 2020 - 08:24 AM

NAGLABAS ng official statement ang Bise Presidente ng Corporate Communication (CorpCom) ng ABS-CBN na si Kane Errol Choa kung ano talaga ang citizenship ni Gabby Lopez.

Isa ito sa kinukuwestiyon bilang may-ari at Chairman Emeritus ng  ABS-CBN Corporation dahil ang paniwala ng lahat ay isa siyang Amerikano dahil sa Amerika siya ipinanganak at lumalabas na ang may-ari ng kumpanya ay isang banyaga.

“Si Gabby Lopez ay isang Filipino citizen. Ang mga magulang niya ay Filipino nang siya ay ipinanganak, at sa ilalim ng 1935 Constitution na epektibo noong ipinanganak siya, awtomatiko ay isa siyang Filipino.

“Hindi na niya kailangan pang kumuha ng Filipino citizenship dahil hindi naman ito nawala at hindi niya rin tinalikuran ang kanyang Filipino citizenship.

“Ipinanganak siya sa US at sa ilalim ng US Constitution, isa rin siyang US citizen. Hindi lang pasaporte ang nag-iisang basehan ng citizenship.

“Noong lumapit si Ginoong Lopez sa Bureau of Immigration, ito ay para lamang opisyal nilang kilalanin ang kanyang pagiging Filipino.

“Parehong kinilala ng Department of Justice at Bureau of Immigration ang Philippine citizenship mula kapanganakan ni Ginoong Lopez ayon sa nakasaad sa Identification Certificate No. 0069 na may petsang 1 October 2002,” ayon sa official statement.

Samantala, malugod na tinatanggap ng ABS-CBN ang pag-apruba sa House Bill 6732 ng House of Representatives Committee of the Whole na nagbibigay ng provisional franchise to operate hanggang Oktubre 2020.

“Nagpapasalamat kami sa liderato ng Kongreso at sa mga sponsor ng bill, sa pangunguna nina House Speaker Alan Peter Cayetano at Majority Leader Martin Romualdez, sa kanilang pagkilala sa aming pagtugon sa mga pangangailangan ng ating mga kababayan pagdating sa balita, impormasyon, entertainment, at serbisyong publiko sa kritikal na panahon ngayon.

“Handa kaming sumailalim sa proseso ng franchise renewal at sagutin ang mga isyung nabanggit laban sa network, sa mga may-ari, sa management, at mga empleyado.

“Nananatili kaming bukas sa mga opinyon at suhestyon na nakakatulong para mas mapabuti pa ang aming organisasyon at paglilingkod sa sambayanang Pilipino.

“Lubos kaming nagpapasalamat sa lahat ng tao at grupong nagpahayag ng kanilang pagmamahal at suporta. Kayo po ang aming inspirasyon. Maraming salamat.”

Ilan sa Kapamilya stars ay nag-post din ng pasasalamat sa pagbibigay ng provisional franchise to operate sa network.

Isa si Sylvia Sanchez sa nag-post ng screenshot ng statement ni House Speaker Allan Peter Cayetano, “Hindi ako nawawalan ng pag asa, araw-araw akong umaasa at nagdadasal na mabubuksan muli ang aking pangalawang tahanan. Walang hanggang pasasalamat sayo, Panginoong JESUS Yahooooooo.”

May teleserye si Ibyang sa ABS-CBN, ang Pamilya Ko na natigil dahil sa COVID-19 pandemic.

Nagpasalamat din si Angel Locsin  kay House Speaker Allan dahil sa pagbibigay nito ng pagkakataon sa Kapamilya network.

As of now ay walang kontrata si Angel sa ABS-CBN pero kabilang siya sa nakikipaglaban para mabuksan muli ang network.

Aniya, “Thank you Cong. Alan Cayetano and congress for giving us a fair chance in court without shutting us down. Praying that the outcome will favor the Filipino people and enabling us to help during this crisis.”

Say naman ni Vice Ganda, “Maraming Salamat sa Kongreso! Malaking bagay po ito. Maraming salamat ulit!”

“After a week of thinking, I shot this last night as a response to the shutdown. Right now, thankfully, Speaker Cayetano files a bill granting ABS-CBN provisional authority. Here’s to hoping things get better from here,” say naman ni Kathryn Bernardo.

Sabi naman ni Kuya Kim Atienza, “Maraming-maraming salamat @alanpcayetano God bless you brother.”

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending