JC DE VERA: Wala naman akong balak ahasin si MAJA kay GERALD!


SUMALANG sa mga maiinit na tanong sa unang pagkakataon  ang bagong Kapamilya star na si JC de Vera sa The Buzz last Sunday.

Ang female hosts ng show na sina Toni Gonzaga at Charlene Gonzales ang nag-intebryu  kay JC. Pasado naman ang binata sa kanyang unang pag-upo sa programa.

After his live interview, nakatsikahan namin si JC sa backstage at sinabi niya na hindi pa raw nagsi-sink in sa kanya na nasa The Buzz na nga siya for the first time.

“Hindi kasi siyempre, fan ka lang rin ng show. Tapos never mo naman inexpect na makakaupo ka sa interbyu na ‘yun, di ba? Lahat siya unexpected pero at the same time very happy ako, very grateful sa lahat,” umpisa ni JC.

Inamin niya na kinabahan siya sa guesting niya sa The Buzz pero hindi lang daw siya nagpahalata, “Artista, natatago,” sabay tawa ni JC.

Dalawang taon ang pinirmahang kontrata ni JC with ABS-CBN.  Kailan lang ay nainterbyu namin si JC sa presscon ng huling programa niya sa TV5.

Patapos na ang kontrata niya noon sa Singko at busy naman sa political bid niya ang dating manager na si Annabelle Rama.
Naglahad na si JC sa ilang entertainment press na kausap niya that time including us na gusto niyang magtrabaho sa Kapamilya network.

Agree naman kaming lahat na pwede, ‘di ba? At tiyak na mas mahahasa pa ang acting prowess niya sa Dos. For sure, top on his list also ang makaarte sa Maalaala Mo Kaya.

Although, hinahanda na ang kauna-unahan niyang teleserye sa ABS-CBN kasama sina Angel Locsin, Maja Salvador na super crush niya at si Jericho Rosales.

At dahil magkakasama sila ni Maja sa serye asahan nang mali-link sila sa isa’t isa. Handa naman kaya si JC na harapin ang boyfriend ni Maja na si  Gerald Anderson kapag nagkita sila sa ABS-CBN after confessing na crush niya ang Dance Princess?

“Wala naman  akong planong mang-agaw. Wala naman akong planong manligaw. Ah, ako naman naga-admire lang. Mae-expect din naman niya from me na ‘yung mga landi-landi hindi na kasali ‘yun.

Basta ako, gusto ko lang magtrabaho. At gagawin ko lahat for work,” pahayag niya. ‘Yun naman pala, e. So, walang dapat ikatakot si Gerald.

( Photo credit to Google )

Read more...