PAGASA itinaas ang signal no 1 sa ilang lugar sa Luzon at Visayas

Ambo

ITINAAS ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration ang tropical cyclone warning signal no. 1 sa maraming lugar sa Luzon at Visayas.

Itinaas ang TCWS sa:

Luzon

Sorsogon, Ticao Island, Catanduanes, at katimugang bahagi ng Albay (Oas, Tabaco, Ligao City, Pio Duran, Guinobatan, Malilipot, Jovellar, Camalig, Santo Domingo, Bacacay, Rapu-rapu, Daraga, Legazpi, at Manito)

Visayas

Northern Samar, hilagang bahagi ng Samar (Calbayog, Sta. Margarita, Gandara, Matuguinao, Pagsanghan, San Jorge, San Jose De Buan, Tarangnan, Catbalogan City, Jiabong, Motiong, San Sebastian, Paranas, Hinabangan), at hilagang bahagi ng Eastern Samar (Jipapad, Arteche, Maslog, Oras, San Policarpio, Dolores, Can-avid, Taft, Sulat, San Julian, at Borongan City).

Ang bagyo ay umuusad sa bilis na 10 kilometro bawat oras patungong kanluran-hilagang kanluran.

Kanilang alas-4 ng hapon ang bagyo ay nasa layong 315 kilometro sa silangan ng Borongan City.

Ang hangin ng bagyo ay umaabot sa 95 kilometro bawat oras ang bilis at may pagbugsong 115 kilometro bawat oras.

Bukas ng hapon ang bagyo ay inaasahang nasa layong 160 kilometro sa silangan ng Catarman, Northern Samar.

Read more...