PCSO nagbigay ng P63M sa 6K pasyente

NAKAPAGBIGAY ang Philippine Charity Sweepstakes Office ng P63.5 milyong tulong sa mga mahihirap na pasyente sa loob ng isang linggo.

Sa isang pahayag, sinabi ni PCSO general manager Royina Garma na mula Mayo 4-8 ay natulungan ng ahensya ang 6,211 pasyente na nangangailangan ng dialysis, chemotherapy, hemophilia, post-transplant medicines at mga walang pambayad sa ospital.

Sinabi ni Garma na hindi nakakalimutan ng PCSO ang mga mahihirap na maysakit kaya patuloy ang PCSO sa paghahatid ng tulong medikal sa mga nangangailangan.

Nakapagbigay ang PSCO ng P22,147,432.67 sa 1,487 pasyente na walang pambayad sa ospital, P35, 866,057.36 sa dialysis treatment ng 4,415 pasyente, P4,417,404.12 para sa 227 pasyente na nangangailangan ng chemotherapy at P1,082,652.42 sa 92 pasyente na nangangailangan ng post-transplant medicine.

Read more...