1 sugatan sa 16 oras na sunog

SUGATAN ang isang bumbero sa mahigit 16 oras na sunog sa isang warehouse sa Taguig City na nagsimula kagabi.

Dinala si Jaed Joseph Isifu ssa ACE Hospital sa Pateros. Nagtamo siya ng sugat sa ulo matapos na bumigay ang inaapakan nitong bubungan habang inaapula ang sunog.

Nagsimula ang sunog alas-5:15 ng hapon sa Building A ng JY& Sons Compound, Veterans Compound Western Bicutan na ginagamit ng Grandeur Floor Coverings.

Inaalam pa kung ano ang sanhi ng sunog. Umabot sa 21 trak ng bumbero ang rumesponde sa sunog.

Naapula ang apoy alas-9:47 ng umaga kanina. Tinatayang P12 milyong halaga ng ari-arian ang nasira ng sunog.

Read more...