“NAGALIT din ako sa naging desisyon nila na ipasara ang pangalawa naming tahanan.”
Yan ang inamin ni Jodi Sta. Maria nang unang mabalitaan na ipatitigil na ang operasyon ng ABS-CBN dahil sa kinakaharap nitong problema sa prangkisa.
Nagsalita ang aktres sa Laban Kapamilya online protest kagabi na pinangunahan ni Angel Locsin at dito nga niya inilabas ang saloobin sa pagpapasara sa kanyang mother network.
“Nu’ng una parang in denial ako, nangamba, natakot. Pakiramdam ko that moment, wala akong magawa for myself, wala akong magawa for my family, wala akong magawa para sa mga kasama ko sa trabaho na maapektuhan nito,” simulang pahayag ng aktres.
Inamin niyang natakot din siya dahil lahat ng nagtatanggol sa ABS ay bina-bash at hinaharas, “Iniisip ko kasi na I need to speak up, I need to stand up for my second home. Pero natakot ako na maaaring ‘yung mga sasabihin ko, ‘yung mga saloobin ko, not necessarily magugustuhan ng ibang tao.”
Pero nang mabasa niya ang pahayag noon ni Martin Luther King na, “Our life begins to end the moment we become silent about the things that matter” ay lumakas ang loob niya.
“That gave me courage, and that is the reason why I am here. I am speaking up. Hindi ako magmamarunong sa batas, may mga eksperto tayo diyan. Nandito ako para magbahagi ng mga saloobin ko bilang isang indibidwal na apektado ng pangyayari na ito,” aniya pa.
“I can honestly say na bukod sa family ko, malaking parte ang ABS-CBN sa paghubog ng pagkatao ko. Bilang tao, bilang babae, bilang Pilipino na nagmamahal sa pamilya, sa bayan, at sa kapwa tao,” dugtong pa niya.
Tungkol naman sa 11,000 empleyadong mawawalan ng trabaho sa pagpapasara ng Dos, “Bread and butter po ito ng lahat ng nagtratrabaho rito. From the on-cam artists to he drivers, the janitors, even the guards bread and butter.
“Pinagkukunan ng ibubuhay sa pamilya, gamot para sa nanay, pampaaral para sa mga anak, sustento para sa pamilya. Hindi po perpekto ang ABS-CBN. Pero ang tanong ko, ang pagpapasara ba ng ABS-CBN ang solusyon?”
“Naiintindihan ko kung may mga taong galit dahil sa nangyari, kung may mga taong natatakot, kung may mga taong nangangamba, kung may mga taong hindi na nila alam kung anong gagawin nila dahil siguro hindi nila alam kung anong mangyayari sa kanila bukas.
“Naiintindihan ko po kung may mga ibang nagagalit dahil may ibang opinyon tungkol sa isyung ito. Ang hindi ko lang po siguro maintindihan ay ‘yung mga taong nagdidiwang, ‘yung mga taong nagsasaya at nagbubunyi dahil sa pagpapasara.
“I pray that we become sensitive to the feelings of other people. I don’t understand how other people can find joy in the misery and suffering ng ibang tao. I pray for sensitivity. I also pray that we find healing as individuals, as a people, as a nation. It is my prayer that we all heal emotionally, mentally, and spiritually from this.
“Hindi po ito magiging posible kung hindi natin paiiralin ang pagmamahal. Hindi po ito magiging posible kung hindi natin isasaalang-alang kung paano natin maaaring pagsilbihan ang isa’t isa,” mahabang pahayag pa ni Jodi.