Bahay, riprap gumuho

(BFP photo)

GUMUHO ang isang bahay nang bumigay ang riprap na pinapatungan nito dahil sa dami ng mga taong naki-usyuso sa hinahabol na magnanakaw sa creek sa Makati City kagabi.

Ayon sa ulat na nakuha ng Bureau of Fire Protection na siyang rumesponde sa lugar alas-11 ng gabi ng gumuho ang bahagi ng riprap malapit sa Guadalupe Veijo Elementary School.

Bumagsak umano ang mga bato sa creek.

Ayon sa nakausap na residente ng mga bumbero, may magnanakaw na tumakbo papunta sa ilog.

Naglabasan umano ang mga tao at dahil sa bigat ay gumuho ito. Kasamang gumuho ang bahay na nakatayo sa riprap.

Walang tao na natabunan sa guho.

Read more...