Enchong sa ABS-CBN shutdown: Nagmamakaawa at nagpapakumbaba po kami | Bandera

Enchong sa ABS-CBN shutdown: Nagmamakaawa at nagpapakumbaba po kami

Ervin Santiago - May 13, 2020 - 08:58 AM

SA halip na murahin at gantihan din ng masasakit na salita ang mga bashers, mas piniling magpakumbaba ni Enchong Dee para ipakita ang pagsuporta sa ABS-CBN. 

Isa ang aktor sa mga Kapamilya stars na naglabas ng saloobin sa pagpapatuloy ng online protest na “Laban Kapamilya” kagabi. Pero hindi siya nakipag-away o nakipagsagutan sa mga trolls.

Dito, nakiusap muli ang mga artista ng network na sana’y bigyan pa ng chance ang ABS-CBN na makapag-operate muli para hindi tuluyang mawalan ng trabaho ang 11,000  employees ng istasyon.

Sabi ni Enchong, handa naman ang ABS-CBN na sagutin ang lahat ng isyu hinggil sa franchise renewal at iba pang ibinabatong akusasyon sa kanila.

“Nagpapakumbaba ho kami, gusto pa ho namin ayusin kung may pagkakamali po kaming kailangan ayusin, aminado ho ako, aminado ho ang boss namin, aminado ho ang ABS-CBN, hindi po kami perpekto,” pahayag ng binata sa Facebook Live session ng mga Kapamilya talents.

“Sa mga kapwa ho namin Pilipino, gusto ho namin kasi magserbisyo kasi balewala ho ang lahat ng ito, balewala ang career, ang pera ang anuman na meron kami kung hindi namin ito naibabahagi sa mga tao.

“Sa mga taong sumusuporta sa amin at sa mga taong pwede pa naming maabot,” lahad pa ng aktor.

Pagpapatuloy pa niya, “Kaya ho sana ma-consider ninyo sana ho, may agarang solusyon na maibigay sa amin para makabalik po kami sa ere.” 

“Sa mga taong hindi po sumasang-ayon sa pagbabalik ng ABS-CBN, naiintindihan ho namin kayo, naririnig namin kayo, at gagawan namin ng paraan lahat ng ibinabato niyo sa amin.

“Lahat ho ng isyu na kailangan nating solusyunan, nagmamakaawa ho kami at nagpapakumbaba po kami,” sey pa ni Enchong.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nagpasalamat din siya sa lahat ng Pinoy na patuloy ang pagsuporta sa ABS-CBN, “Maraming salamat po, malaking bagay po yan na maramdaman namin na may kaakibat kami na may kasama kami sa laban para sa ABS-CBN.” 

Nauna nang humarap sa madlang pipol sina Coco Martin, Kim Chiu, Angel Aquino, Angel Locsin, Jodi Sta. Maria, Angelica Panganiban at Shaina Magdayao para ibandera ang kanilang pagsuporta sa ABS-CBN.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending