Rape suspek dakip habang kumukolekta ng ayuda

BAGSAK sa kulungan ang 23-anyos na lalaki na matagal nang wanted sa kasong rape makaraang maaresto habang kumukuha ng ayuda sa Makati kahapon.

Dinakip si Jerry dela Cruz nang magpunta sa barangay hall ng Pembo para kunin ang cash aid sa ilalim ng social amelioration program ng pamahalaan.

Si dela Cruz ang itinuturong nang-rape sa 17-anyos na babaeng kainuman noong 2018.

Nagtangka pang tumakas ng suspek nang makita ang mga pulis pero agad din itong nasakote.

Todo-tanggi naman ang suspek sa akusasyon at sinabing gusto rin umano ng biktima ang naganap.

Hindi naman sinabi ng mga pulis kung nakuha ng suspek ang ayuda.

Read more...