KAHIT bina-bash at minumura ng mga netizens, nanindigan pa rin si Toni Gonzaga para sa ABS-CBN na ipinasara kamakailan ng National Telecommunications Commission matapos mag-expire ang franchise nito.
Sa bago niyang online show, ang “I Feel U, sinabi ni Toni na naniniwala siyang makababalik pa rin ang kanyang mother network para magpasaya at maging inspirasyon sa madlang pipol.
“I think hindi naman mawawala ang Kapamilya network sa puso ng bawat Pilipino. Totoo ‘yun.
“Hindi man nila tayo napapanood sa ngayon sa telebisyon, pero hindi tayo titigil na magbigay ng entertainment, ng service, ng balita para sa ating mga kapamilya because that’s what the company is all about,” pahayag ng TV host-actress.
“We will do our best para makapagbigay din ng aming serbisyo para sa aming home network,” dagdag niya.
Inamin ni Toni na talagang nabawasan na ang panahon niya sa social media, “Hindi na rin kasi ako ma-post sa IG ko. Talagang minsan na lang din ako mag-IG.
“I guess it’s part of being a mom lalo na ngayon na lagi lang akong nasa bahay so mas less lang ‘yung life ko on social media. Mas more ‘yung life ko on real life. I’m living the moment. Mas I’m cherishing the moment,” dugtong pa ng misis ni Direk Paul Soriano na ang tinutukoy ay ang pag-aalaga sa pamilya lalo na sa anak nilang si Seve.
Tungkol naman sa mga bashers, “Like what I said, you let go of the things you can’t control. What you can control is your emotions, your words and your mind and your heart.
“If you focus on that, you will have peace in your heart kasi alam mo eh. Hindi mo mako-control ang negativity, hindi mo mako-control ang trolls at bashers. They will always be there.
“If you fight them with words, you allow them to affect you. There are some battles that are not worth fighting for, for me.
“You just choose your battles wisely and you ignore what you have to ignore for your peace of mind and para may peace sa heart.
“At this point, we do not need any more negativity and any more hatred. Quota na tayo diyan. It’s about time we start spreading more positivity, love,” pahayag pa ni Toni.