INAASAHANG magiging tropical storm ang tropical depression Ambo sa loob ng 24 na oras.
Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration magiging severe tropical storm pa ito bago mag-land fall sa Huwebes.
Inaasahan na magla-landfall ito sa Sorsogon-Albay area.
Dadaan ito sa Metro Manila bago tuluyang lumabas ng kalupaan sa Sabado.
Sa Linggo ay inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility ang bagyo.
Ito ay mayroong hangin na umaabot sa 55 kilometro bawat oras at pagbugsong 70 kilometro bawat oras.
Umuusad ito sa bilis na 15 kilometro bawat oras patungong hilaga-hilagang kanluran.
Kaninang alas-2 ng umaga ito ay nasa layong 285 kilometro sa silangan-hilagang silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur.
Maaari pang magbago ang bilis at direksyon ng bagyo, ayon sa PAGASA.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.