NAGPAALALA si Pangulong Duterte sa mga lugar na maaalis sa enhanced community quarantine (ECQ) na hindi ito nangangahulugan na wala na ang banta ng coronavirus disease (COVID-19).
“Just because we allowed certain people — dahan-dahan lang, dahan-dahan lang sa ngayon para walang ano — hindi tayo madapa. Dahan-dahan lang. Because we cannot afford — we cannot afford a second or third wave na mangyari. Ito ‘yung mga bagong mahawa na naman at rarami na naman dahil nga sa mayroon tayong rules na hindi sinunod,” sabi ni Duterte.
Inaasahang ihahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque ngayong tanghali ang mga pagbabago sakaling magtapos na ang lockdown sa Mayo 15.
“‘Yung mga taong pwedeng lumabas at hindi pwedeng lumabas hanggang diyan lang muna kayo,” ayon pa Duterte.
Idinagdag ni Duterte na hindi dapat lumabas ng bahay nang walang suot na face mask.
“That is a must. Must comply. Tatapikin ka ng pulis. Hindi ka naman hulihin pero nakakahiya sabihin sa’yo, ‘Adre, tumabi ka muna. Wala kang mask. Where is your mask?’ Kung wala kang mask you endanger — ipapasubo mo ‘yung kaharap mo. Hindi ikaw. Kung gusto mong mamatay okay lang pero ‘yung kaharap mo at hindi pa niya panahon tapos mamatay lang sa ka — just because you do not want to comply. Kaya ako nag-comply ngayon lang kasi…,” paliwanag pa ni Duterte.