Angel hindi kinakalaban si Duterte: I wish the President the best! 

ANGEL LOCSIN

IPINAGDIINAN ni Angel Locsin na hindi si Pangulong Rodrigo Duterte ang kinakalaban nila ngayon matapos ipasara ang ABS-CBN.

Nilinaw ng Kapamilya actress na ang pagsasalita niya ngayon at ng iba pang artista ng ABS-CBN ay pagpapakita ng suporta at pagmamahal sa kanilang “tahanan” at hindi para labanan o mag-aklas kontra sa gobyerno.

Muling humarap si Angel sa madlang pipol sa pamamagitan ng isang video na ipinost sa Facebook at dito muli niyang ipinahayag ang paninindigan sa laban ng ABS-CBN para makabalik sa himpapawid.

“Lilinawin ko lang po na hindi ito laban against the government. And I wish the President the best. Na hindi po natin malalampasan ang pandemyang ito kung wala po siya. 

“Naniniwala ho ako na sa panahon ngayon lalo, magkaisa po tayo at magtulungan,” pahayag ng aktres.

Pagpapatuloy pa niya, “Ang nilalaban ko po dito ay mabigyan ng extension ang prangkisa ng ABS-CBN.

“Kagaya rin ho ng pagbigay ng extension sa iba pong kumpanya na nag-expire po ang prangkisa pero na-extend po para dinggin po ng kongreso ang kanila pong mga kaso,” diin pa ng dalaga.

Nagbigay din siya ng mensahe para sa National Telecommunications Commission at kay Solicitor General Jose Calida na siyang nasa likod ng pagpapatigil sa operasyon ng Dos.

“Naniniwala ho ako Sir na marami ho kayong nagawang maganda para sa bayan natin. Naniniwala po ako dun. Pero Sir, ‘pag tinuloy niyo po ang desisyon na ito, kahit na ano pa degree, talino, posisyon, achievement — hindi po ‘yan ang matatandaan ng tao.

“Ang matatandaan po nila — and you will go down in history bilang kayo po ang taong pumatay sa ABS-CBN at tumuro sa napakaraming tao sa gitna ng pandemya. ‘Yun ho ang matatandaan namin Sir. And huwag niyo hong hayaan na mangyari ‘yun,” lahad pa ng aktres.

Read more...