7 huli sa paglabag sa liquor ban

liquor ban

KALABOSO ang pito katao sa paglabag umano sa liquor ban sa Quezon City.

Naaresto ng La Loma Police Station (PS 1) sina Marvin Dela Cruz, 28, Bonifacio Villreal, 38, at Mary Jane Dela Cruz, 39, mga residente ng Brgy. Apolonio Samson, alas-11 ng gabi sa No. 60, Kanluran St., Kaingin Bukid, habang nag-iinuman.

Mayroon umanong concerned citizen na tumawag sa pulisya.

Nakumpiska sa kanila ang isang bote ng Emperador Lights.

Nahuli naman ng Novaliches Police Station sina Danilo Jocson, Sr., 54, anak nitong si Danilo, 31, Rodolfo Miralles, Sr., 57, at Elver Aguete, 31, alas-10:30 ng gabi kagabi sa ECQ checkpoint sa Damong Maliit kanto ng Queensland, Brgy. Nagkaisang Nayon.

Dumaan umano ang mga suspek sakay ng mga motorsiklo. Lasing umano ang mga ito at walang galang sa mga pulis.

Nakumpiska sa mga suspek ang isang Skygo Wizard 125 E3 na walang plaka, Rusi 125 tricycle (1346 QQ) at isang tricycle na walang plaka.

Read more...