PINAGHAHANAP ang babaeng Covid-19 patient na tumakas sa isolation facility sa Davao City noong Sabado.
Kinumpirma ni Mayor Sara Duterte na nakapuslit ang pasyente na residente ng Brgy. 23-C, isa sa mga hotspots ng nakamamatay na sakit.
“We are looking for one patient who sneaked out of a room where she was confined,” ani Duterte.
Agad namang sumugod sa barangay ang mga otoridad upang hanapin ang babae.
“She is currently missing. She is not in her house and barangay. We do not know where she is right now,” dagdag ni Duterte.
Sinabi niya na marami ring ulat na nakarating sa kanya ukol sa mga pasyente na nagtangkang tumakas sa mga quarantine facilities.
“One of the possible reasons for the escape was the patient’s desire to reunite with her family,” paliwanag ng alkalde.
Nagdagdag na ng mga bantay sa mga isolation facilities upang hindi na maulit ang nasabing insidente. –Inquirer