Roque: Quezon City at Maynila nananatiling nasa ‘red na red’ o nasa kritikal

SINABI ni Presidential Spokesperson Harry Roque na nananatiling nasa ‘red na red’ sa mapa ng mga kaso ng coronavirus disease (COVID-19) ang Quezon City at Maynila.

“Dito po sa Metro Manila, makikita ninyo na itong mga critical areas, kasama po rito ang Quezon City, City of Manila, yun po yung dalawang may pinamalaking na pigura,” sabi ni Roque sa isang briefing.

Idinagdag ni Roque na sa buong Pilipinas, kabilang ang Metro Manila at Davao na nasa kritikal pa rin.

“Sa buong Pilipinas kakaunti na po ang nasa red o tinatawag na kritikal,” sabi ni Roque.

Ayon pa kay Roque, bukod sa Quezon City at Maynila, kabilang sa mga matataas pa rin ang kaso sa Metro Manila ang Paranaque, Makati at Mandaluyong City.

Sinabi ni Roque na nakatakdang magpulong muli ang Inter-Agency Task Force ngayong araw para gawing pinal ang rekomendasyon kay Pangulong Duterte kaugnay ng nakatakdang pagtatapos ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Mayo 15.

Inaasahin ang public address ni Pangulong Duterte ngayong gabi.

Read more...