NASAKOTE ng pulisya ang 26-anyos na lalaki na may dala umanong dalawang bote ng alak sa Quezon City kagabi.
Si Marlon Lovedioro, company driver, at ng Lam-Ang st., Brgy. Greater Lagro, ay nahaharap sa kasong paglabag sa Quezon City Executive Order No. 24 (Consumption of any liquor, wine, beer and other alcoholic or intoxicating products is prohibited in any place within the territorial jurisdiction of Quezon City during the ECQ) at Article 151 ng Revised Penal Code (Resistance and Disobedience to Person in Authority and their Agent).
Nagbabantay ang mga pulis sa quarantine control point sa Bristol st., Brgy. Greater Lagro nang dumaan umano ang suspek alas-11 ng gabi.
Nakita umano ng otoridad ang dala nitong dalawang bote ng Gin Kapital 350 ml. Nanlaban umano ang suspek.