Wala nang face mask, lumabag pa sa curfew, kelot arestado

Jail

ARESTADO ang 28-anyos na lalaki na lumabag na sa curfew ay wala pa umanong suot na face mask habang naggagala ng disoras ng gabi sa Quezon City.

Si Luige Bernanrd Taopo, 28, dine cook, at ng Lirio st., Brgy. Old Capitol Site, ay nahaharap sa reklamong paglabag sa Quezon City Executive Order No. 20 (Public Safety Hours) and No. 25 (Mandatory Wearing of Face Mask or Face Covering) at Resistance and Disobedience to a Person in Authority (Art. 151 of RPC).

Nagpapatrolya ang mga pulis at barangay tanod ng makita nila ang suspek sa Lirio st., alas-11 ng gabi.

Nagtangka pa umanong tumakas ng suspek pero naabutan din ito ng otoridad.

Read more...