Angel: Sa nanghaharas sa amin, pasensya na…hindi kami magpapa-bully!

ANGEL LOCSIN

HINAHARAS, binu-bully at binabastos ngayon ng netizens ang mga Kapamilya stars na matapang na nagtatanggol sa ABS-CBN.

Matindi ang ginagawang pamba-bash ngayon ng ilang Pinoy sa mga artista ng Dos na lantarang nakikipaglaban sa mga taong nasa likod ng pagpapasara sa ABS-CBN.

Ayaw tantanan ng mga bashers at haters sina Coco Martin, Kim Chiu at Angel Locsin matapos bweltahan ang National Telecommunications Commission na siyang naglabas ng cease and desist order para ipatigil ang operasyon ng kanilang mother network.

Nauna nang niresbakan nina Coco, Kim at iba pang Kapamilya stars ang mga bashers at talagang ipinamukha sa kanila na hindi na sila basta mananahimik lang — lalaban na rin sila nang sabayan, bastusan kung bastusan.

“Sa mga (fake) accounts na hinaharass kami para manahimik, pasensya na po kayo at hindi kami magpapa-bully. 

“You’ve created your worst nightmare. wala kayong power sa amin,” pahayag ni Angel laban sa mga bully sa social media.

Kasabay nito, nagpasalamat din si Angel sa lahat ng mga naninindigan at nagtatanggol sa ABS-CBN.

Kapamilya, maraming salamat sa pagdamay sa amin sa panahong ito. Hindi ko ho malilimutan ang pinakita nyong suporta at pagmamahal,” mensahe ng aktres.

Isa si Angel sa mga unang artista ng ABS-CBN na umalma sa inilabas na cease and desist order ng NTC. Kinuwestiyon niya ang timing nito na isinabay pa habang may health crisis sa bansa. 

Sa panahon na kailangan ng hanap buhay ng mga tao. Let’s be considerate and ask ourselves kung makakatulong ba ang mga desisyon natin sa lalo na sa panahong ito. 

“To ABS-CBN, isang karangalan po na naging bahagi at nakasama ko po kayo. Mahal ko kayo,” ani Angel.

Read more...