SINOPLA ng misis ni Gary Valenciano na si Angeli Pangilinan ang isang follower ni KC Concepcipn sa kanyang Instagram account.
May ipinost kasing litrato si KC sa kanyang IG na hawak ang mala-snake gold necklace niya.
At sa ilalim nito ay may caption na ganito, “Today my aunt told me, ‘This lockdown? It’s so good for you! Of course!!! God wants you all to himself. No man, no maid. You know?’ Hahaha. well what can I say, guess I’ll have to take her word for it.”
Sa comment section ay nag-comment si Angeli, “Hahaha I love you sweetheart.”
Sinagot naman ito ni KC ng, “Classic quotes.”
A certain @geo.rgiadmd ang nag-comment ng ganito, “You made your IG like Tinder, you post old photos and say single then guys would see you look double then he won’t show up again. Guess better to show your real self to find real love.”
Ipinagtanggol naman si KC ng isa pa niyang follower, “Better if you mind your own business po.”
At heto naman ang reply ni Angeli sa basher ni KC, “Can you go bully someone else. MEAN AND UNKIND YOU ARE.”
Sa bandang ibaba naman ay nag-post ng comment ang isa pang celebrity friend niya at nagpa-follow sa kanyang IG, walang iba kundi ang mister ni Judy Ann Santos na si Ryan Agoncillo.
Say ni Ryan, “Ganda mo Baxx!”
Reply ni KC kay Ryan, “Hiyang pala ako KR (Kuya Ryan) sa lockdown.”
Pero may isa pang follower ni KC ang inintriga pa si Ryan. A certain @2486.meang nag-post ng comment na, “Selos asawa mo.”
Kalurky! Talagang ginawan pa ng intriga sina KC at Ryan, di ba? Pero kung kilala namin ang panganay ni Megastar Sharon Cuneta, tatawanan lang niya yan.
Sa mga hindi pa nakakaalam, matagal nang close si KC sa mag-asawang Ryan at Juday kaya walang point para gawan sila ng issue.