ARESTADO ang 42-anyos na babae na humingi umano ng P6,000 sa P8,000 tinanggap ng isang lalaki mula sa Social Amelioration Program sa Quezon City kanina.
Kinilala ang suspek na si Mary Ann Velasquez, walang trabaho, at ng Luzon Ave., Brgy Old Balara.
Ayon sa biktimang si Joel Subito, 27, kinausap siya ng suspek upang pumirma sa SAP form. Kapag naaprubahan kukunin umano ng suspek ang P6,000 sa P8,000 matatanggap ng biktima.
Dahil walang trabaho at kailangan ng pera, napilitan umano ang biktima sa sumang-ayon sa gusto ng suspek.
Naaprubahan umano ang biktima at nakuha nito ang pera noong Mayo 6. Ilang ulit umano siyang tinawagan ng suspek upang kunin ang P6,000.
Sa takot ay ibinigay umano ng biktima ang P5,000.
Kinabukasan ay muli umanong kinulit ng suspek ang biktima at kinukuha ang P1,000 pa.
Humingi ng tulong ang biktima sa Barangay Old Balara at ipinatawag ang dalawa alas-2 ng hapon kanina.
Hinuli umano ang suspek ng ibalik nito ang P5,000 pera sa biktima.
Dinala ang suspek sa Batasan Police station.