INILABAS ng Department of Education ang guidelines para sa remedial classes ngayong summer.
“For Summer 2020, the conduct of remedial, enrichment and advancement classes shall start on May 11, 2020 and shall end after the completion of the six-week period that may include Saturdays,” saad ng DepEd Memorandum 51 series of 2020.
Ang mga kukuha ng remedial classes ay ang mga nakakuha ng grade na mas mababa sa 75 mula Grade 1 hanggang Senior High School.
Kailangan nilang maipasa ang remedial classes para ma-promote sa susunod na baitang.
“Alternatively, learners with failing marks in any learning area ay instead be required to attend make-up classes during the SY 2020-2021. Schools that opt to conduct such make up classes in place for remedial classes during the summer term shall be required to prepare and submit an implementation plan before the start of the school year, subject to the approval of SDS (Schools Division Superintendent).”
Ang mga paaralan ay maaari ring magsagawa ng enrichment classes sa mga estudyante na nahirapan sa mga lesson sa katatapos na school year at nakakuha ng mababang grado.
Ipatutupad sa summer classes ang distance learning scheme gaya ng paggamit ng Modular Learning na naka-print o digital format.
“Schools shall consider the learner’s access to home-based internet before utilizing an online platform to deliver these Self-Learning Modules (SLMs). Learners with internet connectivity at home are also encouraged to access enrichment activities and other interactive resources.”
Kapag maaari na umanong umalis ng bahay ang mga guro at estudyante ay magiging opsyon na ang face-to-face learning.