Walang dumagdag sa bilang ng OFWs na nahawa at nasawi sa COVID-19

WALANG naitalang bagong kaso ng coronavirus disease 2019 sa hanay ng overseas Filipino workers ngayong araw.

Ayon sa Department of Foreign Affairs ito ang unang pagkakataon na walang naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa mga OFW. Ang kabuuang bilang ay 2,178 kaso.

“Today, for the first time since the DFA began issuing estimates of COVID affected nationals abroad, there are no new confirmed cases and fatalities due to COVID-19 reported by our foreign service posts.”

Wala ring naitalang dagdag sa mga nasawi sa naturang sakit. Ang kabuuang bilang ng nasawi ay 253.

Ang naidagdag sa datos ng DFA kahapon ay ang dalawang gumaling. Umabot na ang kabuuang bilang nito sa 1,285.

Read more...