NAGTAKDA ang Civil Service Commission ng alternative work arrangement para sa mga empleyado ng gobyerno.
Iminungkahi ng CSC ang work-from-home arrangements, skeleton workforce, four-day o compressed workweek, at staggered working hours upang patuloy na maipatupad ang social distancing.
Sinabi ng CSC na mahalaga na magampanan ng mga ahensya ang mandato nito ng hindi naisasaalang-alang ang kalusugan ng mga empleyado.
Ayon sa resolusyon, ang mga empleyado na papasok sa ilalim ng skeleton workforce ay dapat bigyan ng hazard pay.
Sa ilalim naman sa four-day work week, pagkakasyahin sa apat na araw ang ipapasok na oras ng isang empleyado sa isang linggo.
Sinabi ng CSC na maaaring magdesisyon ang isang ahensya kung ano ang angkop na gamitin nitong alternatibo sa pagpapatuloy ng pagbibigay ng serbisyo.